Arduino

Aralin 9: Servo Motors

Ang isang servo motor ay isang aparato na maaaring makontrol ang shafting ng motor para sa tukoy na posisyon. Ang mga servo motor ay ginagamit sa mga aplikasyon kung saan kinakailangan ang tumpak o accurate na paggalaw ng motor shafting.  Ang pangkaraniwang  servo motor ay may kakayanang paikutin mula 0 degress hanggang 180 degrees ang motor shaft.

Ang Arduino IDE ay mayroon ng nakahandang mga example programs para sa madaling paggamit ng mga servo motors. Gagamit tayo ng built-in libraries ng Arduino IDE upang paandarin ang shaft ng servo motor mula sa minimum position na zero degree patungong maximumum position na 180 degrees.

Ang servo motor ay nasa kategorya ng closed loop control system na kung saan, ang posisyon ng motor shaft ay binabasa ng potentiometer at pinapadala sa microcontroller upang makapagbigay ito ng kaukulang koreksyon tungkol sa tamang posisyon nito.

Design a site like this with WordPress.com
Get started