Aralin 13: Robot System Overview
Ang pagiging malikhain at mapamaraan ay mga katangiang maari nating mapaunlad sa tuwing tayo ay magdedesenyo ng isang robot. Ito rin ang nangangailangan pagtitiyaga lalong lalo na kung tayo ay nag-uumpisa pa lamang sa pag-aaral ng robotics. Tandaan na maraming paraan ng pagbuo ng isang robot at ang ipapakita natin sa araling ito ay isa lamang sa maaring pagkuhanan ng ideya.

Ang pangunahing layunin ng Arduino Enabled Robot ay upang magamit bilang isang prototype robot na kung saan sinusubukan ang mga dinedevelop naming ma arduino sketch. Ginagamit din namin ang robot na ito upang magturo ng mga konsepto ng robotics sa ibat-ibang institusyon, paaralan at mga indibidwal na may interes sa robotics.