Arduino

Aralin 14: Proyektong Remote Controlled Robot

Ang pinaka epektibong paraan upang maiintindihang mabuti ang mga konsepto at aralin sa robotics ay sa pamamagitan ng pagbuo ng gumaganang robot. Sa ating aralin, tayo ay bubuo ng pinaka simpleng robot, at ito ay ang radio controlled robot o mas kilala bilang remote controlled robot.

Ang isang differential drive ay may dalawang independently driven wheels na nakakabit sa robot base at kadalasan nasa harapang bahagi ng robot. Kapag sinabing independently driven wheels, ito ay tumutukoy sa mga gulong na may kanya-kanyang DC motor na malayang magkontrol sa bawat gulong. At sa likod naman ng robot ay nakakabit ang isang caster wheel o kadalasang tinatawag na tagasunod na gulong. Ang isang bentahe ng Differential Drive robot ay ang pagiging simple ng steering o pagmamani-obra nito.

Sa proyektong ito tayo ay gagamit ng rechargeable 11.1 V Lithium-ion Polymer Battery o mas kilala bilang LiPo Battery. Ang L298N motor driver ay may kakayanang tumanggap ng boltahe mula 5V hanggang 35V, dahil dito, maari nating idirektang ikonekta ang positive at negative terminal ng baterya. Ang pangunahing sensor na ating gagamitin sa ating proyekto ay ang receiver na tatanggap ng signals galing sa Transmitter.

Ang Channel 1 ng receiver na nakakonekta sa pin 7 ng Arduino Mega 2560 ay gagamitin natin sa pag-kontrol ng pakanan at pakaliwang direksyon ng robot. Ang Channel 2 naman na nasa pin 8 ng arduino mega ay gagamitin natin sa pag-kontrol ng pa-abante at paatras na takbo ng robot.

Arduino Sketch: Remote Control Robot

Design a site like this with WordPress.com
Get started