Arduino

Aralin 15: Proyektong Line Following Robot

Magagamit natin ang kaalamang na natutunan natin sa Remote controlled robot project upang makagawa ng mga tagubilin sa ating susunod na proyekto. Ang robot na ating gagawin ay may kakayanang sumunod sa itim na linyang nakadikit sa sahig.

Sa proyektong ito, tayo ay gagamit ng Infrared o IR sensor. Ang isang IR Sensor ay may dalawang especial na LED. Ito ay ang Receiver LED o photodiode at Transmitter LED. Ang infrared Light na ito ay tumatalbog pabalik sa mga maliliwanag na kulay na bagay, na tinatanggap naman ng receiver LED. Sa tuwing mangyayari ito ay naglalabas ng Low o Zero ang signal pin. Ang sinag ng infrared light ay hindi tumatalbog o ina-absorb lamang ng mga bagay na may madidilim na kulay. Sa mga ganitong pangyayari ay naglalabas ang IR sensor ng signal na HIGH o 1.  

Arduino Sketch: Line Following Robot

Design a site like this with WordPress.com
Get started