Aralin 16: Proyektong Obstacle Avoidance Robot
Ang obstacle avoidance ay isang mahalagang kilos ng mga mobile robot. Ang ganitong dagdag na tampok ay kadalasang ginagamit na safety features ng mga robot. Sa ating proyekto ay gagamit tayo ng ultrasonic sensor na magbibigay ng distance reading para sa ating robot. Ang ultrasonic sensor ay ikakabit natin sa ibabaw ng servo motor upang ito ay makapagsukat ng distansya sa gitna, kanan at kaliwa.

Ang konseptong natutunan natin sa proyektong ito ay maaring gamiting panimula sa pag-develop ng mga self-driving vehicles na gumagamit ng mga LiDar sensors. Ang paggamit ng LiDAR sensors ay tinalakay natin sa mga paksa sa ilalim ng Robot Operating System o ROS.
Arduino Sketch: Obstacle Avoidance Robot