Aralin 17: SPI Communication Protocol
Ang Serial Peripheral Interface (SPI) ay iminungkahi ng Motorola para sa pakikipag-ugnayan ng mga aparato. Ang SPI ay maaaring magpadala at tumanggap ng mga datos nang sabay-sabay gamit ang magkakahiwalay na linya. Ang isang bentahe ng koneksyon ng SPI ay ang bilis nito na maaaring tumakbo ng hanggang sa 8 million bits gada segundo.

Nangangailangan ang SPI ng apat na koneksyon, ang orasan (SCK) na magpapasya kung kailan maaaring magbago ang data at kung kailan ito babasahin. Ang master out slave (MOSI) ay ang nagpapadala ng data sa slave devices mula sa master device. Ang master in slave out (MISO) ay ang pin na ginagamit upang makipag-usap sa master. At ang chip select (CS) ay ginagamit upang piliin kung aling slave device ang nakakonekta sa SPI.