Arduino

Aralin 1: Panimula sa paksa ng Robotics

Ang ROBOT ay tinuturing na programmable machine na ang pangunahing layunin ay pagaanin ang trabaho ng tao. Napapanahon ang pag-aaral ng ROBOTICS dahil sa INDUSTRY 4.0 na nakapokus sa teknolohiyang digital na kung saan ang mga ROBOTS ay magkakaroon ng pangunahing papel.

May tatlong pangunahing bahagi ang isang robot. Ito ay ang Microcontroller, Sensors at Display. Ang microntroller ay ang bahagi na nagbibigay ng talino sa isang robot. Ang sensor naman ay ang tumatanggap ng impormasyon or input signal sa kapaligiran. Ang mga signals na ito ay pinapasa nya sa microcontroller upang bigyan nito ng kaukulang utos ang mga actuators. Ang mga actuators ay ang bahagi na nagbibigay ng kakayanan sa robot upang makipaguganayan ng pisikal sa kapaligiran.

Design a site like this with WordPress.com
Get started