Arduino

Aralin 19: Serial Communication Protocol

Ang Serial Communication o kilala ding Universal Asynchronous Receiver Transmitter o UART ay isang protocol na ginagamit para sa komunikasyon sa pagitan ng Arduino at ibang aparato na nangangailangan ng Transmit data, TX at Receive data, RX. Ang set-up ng Serial Communication ay nag-uumpisa sa pagtalaga ng nararapat na bilis ng pagpasa at pagtanggap ng datos o tinatawag ding baud rate. Para sa kuminikasyon, kinakailangan na ang TX pin ng unang aparato ay nakakabit sa RX pin ng pangalawang aparato.

GPS Module

Ang NeoGPS.h library ay isang napakagandang library na maaring gamitin para sa komunikasyon ng GPS at arduino. Marami itong nakahandang example programs para sa kahit anong klase ng GPS module. Maaring gumamit ng deg2UTM.h library upang ma-convert ang Latitude – longitude coordinate system papunta ng UTM coordinates system.

Kailangang dalhin sa labas ang GPS receiver upang ito ay makakuha ng signal mula sa mga satellites. Mas mainam na ang iyong lokasyon ay bukas at malayo sa mga gusali. Kailangan din na walang mga sagabal na maaring tumakip sa GPS receiver.

Arduino Sketch: GPS Module

Design a site like this with WordPress.com
Get started