Arduino

Aralin 22: HC12 Wireless Communication

Magagamit ang  HC12 wireless serial communication module para sa malalayuang kumunikasyon ng dalawa o higit pang Arduino Microcontroller. Kumpara sa Bluetooth module, mas may kakayanang makapagpadala ang HC12 module ng datos sa mas malalayong distansya na umaabot ng humigit kumulang ng 1 kilometro. Mahalaga ito sa ating aplikasyon dahil magagamit natin ang HC12 module upang makita ang mga datos na mula sa serial monitor tulad ng waypoints, Northing at easting coordinates at compass data mula sa ating robot.

Maari din tayong magpadala ng commands sa rover robot mula sa ating base station. Halimbawa nito ay  ang return-to-home command na kung saan awtomatiko nating pababalikin ang robot sa home position nito ng hindi nilalapitan ang robot.

Arduino Sketch: HC12 Wireless Communication

Design a site like this with WordPress.com
Get started