Arduino

Aralin 2: Hardware and Software

Ang pag-aaral ng mga robotics ay maaaring mangailangan ng kumbinasyon ng mga kasanayan sa computer programming, mechanical engineering, electronics at electrical engineering. Gayunpaman, ang robotics ay madali ng matutunan ngayon, lalo na sa pagkakaroon ng abot-kayang mga microcontroller, sensors at bukas na mapagkukunan na mga softwares o tinatawag na open source softwares.

Ang sistema ng isang robot ay nahahati sa dalawa, ito ay ang hardware at software. Ang hardware ay ang mga pisikal na bahagi ng robot, kasama na dito ang mga microntrollers, sensors, actuators, power supply at iba pa. Ang software naman ay mga programs o commands na maaring iimbak at patakbuhin ng hardware.

Ang “hard” sa salitang hardware ay tumutukoy sa mga bagay na nahahawakan at ang “soft” naman sa salitang software ay tumutukoy sa mga bagay na di nakikita at madaling palitan.

Design a site like this with WordPress.com
Get started