Arduino

Aralin 3: Pag-Install ng Arduino Integrated Development Environment (IDE)

Ang Integrated Development Environment, IDE ng arduino ay isang compiler na naglalaman ng mga ibat ibang tampok tulad ng editor, project manager, linker, debugger at marami pang iba. Tatalakayin natin ang mga mahahalagang parte ng Arduino IDE na madalas nating gagamitin. Dapat nating i-install ang Arduino IDE software sa ating computer bago natin magamit ang Arduino board. Upang mainstall ang software, pumunta sa website ng Arduino.

Sa ating unang programming activity, gagamitin natin ang example program galing sa Arduino IDE. Pakukurapin natin ang built-in LED ng ating Arduino board. Ang LED na ito ay direktang nakakonekta sa Pin 13 ng Arduino board.

Design a site like this with WordPress.com
Get started