Arduino

Aralin 5: Digital Push Button

Ang mga pindutan o push buttons ay uri ng digital sensor na nag-uugnay sa dalawang mga terminal sa isang circuit kapag pinindot ito ng isang gumagamit. Sinasabing HIGH ang signal ng isang push button kung ito ay nakapindot. Ginagamit ang mga digital pins ng Arduino board bilang input para ng mga push buttons.

Ang pull-down resistor ay mahalaga upang mapanatili nating steady o matatag ang Digital input signal na ipapasa ng ating push button. Tinawag itong pull-down dahil hinihila nito ang Digital input signal patungong ground.

Arduino Sketch: Digital Push Button

Design a site like this with WordPress.com
Get started