Aralin 7: Pulse Width Modulation, PWM
Ang isang Pulse Width Modulation, PWM ay isang pamamaraan para sa pagkontrol ng mga digital na signal upang lumikha ng analog na epekto. Ang PWM ay isang pangkaraniwang digital signal na may iba’t ibang duty cycle. Isang ilusyon ng analog signal ang nagagawa dahil sa mabilisang pagbabago ng duty cycle ng duty cycle. Ang Arduino processor ay may duty cycle sa pagitan ng 0 hanggang 255.

I-poprogram natin ang Arduino upang maiba-iba ang liwanag ng LED base sa pagpihit ng knob ng potentimeter. Tandaan na ang liwanag ng LED ay nakabase lamang sa bilis p bagal ng pagbabago sa duty cycle ng Digital PWM signal.

Ito ay maipapakita sa pamamagitan ng isang proporsyonal linya sa x at y axis, na kung saan ang x-axis ay ang potentiometer values mula 0 hanggang 1023. At ang y-axis naman ay ang PWM duty cycle values na kung saan nakadepende ang LED brightness, ito ay mula 0 hanggang 255.
Arduino Sketch: Varying LED Brightness