Aralin 2: Brushless DC Motors
Isa sa unang ginagawa sa pagbuo ng drone ay ang pagpili ng brushless DC motors o BLDC. Kung susuriin ang loob na parte ng mga motor na ito ay makikita ang halos parehong components nito, ang stator at ang rotor. Ang tanging kaibahan ay ang carbon brushes na wala sa mga BLDC. Isa sa pinaka-malaking bentahe ng Brushless DC motors s ay ang kawalan nito ng carbon brushes na nagpapataas ng efficiency nito. Dahil dito may kakayanan ang BLDC makapag bigay ng mataas na Torque output sa mababang power consumption.

Sa ating proyekto, ang drone frame na ating ginamit ay may sukat na 33 cm, ibig sabihin ay maari din tayong gumamit ng BLDC motor na may 1600KV rating at sukat na 2208. Ngunit Tandaan na magandang kasanayan ang sumobra sa recommended specifications para sa mas mataas na performance ng ating drone.