Pixhawk

Aralin 3: Propellers

Para lumipad ang drone, kailangang makalikha ng sapat na thrust force o pataas na pwersa ang mga propellers upang makabuo ng mataas na lift na higit pa sa bigat ng drone at dragna mula sa resistance ng hangin. Kaya mahalaga ang pagpili ng tamang spesipikasyon ng BLDC motor dahil ito ang magpapaikot sa propellers para makalikha ng sapat na thrust force na kailangan ng drone. Ang mataas na thrust to weight ratio ay nagdudulot ng mas madaling pagkontrol ng drone.

Natalakay na natin ang hovering at kung paano ito nagagawa ng isang drone. Ngayon naman ay pag-uusapan natin ang ibat ibang galaw ng drone mula sa axis of translation at rotation nito. Ang isang drone ay libreng gumalaw at umikot sa tatlong axis sa himpapawid. Mahalagang malaman muna natin ang heading o harap na bahagi ng drone. Sa larawang ito, ang harap na bahagi ng drone ay kahelera ng positive x axis.

Ang pag-ikot ng drone sa x-axis ay tinatawag na Roll. Ang tawag sa pag ikot nito sa Y-axis ay Pitch. Ang pag-ikot nito sa Z-axis ay Yaw. Ang radio transmitter na ating gagamitin ay 6-channel 2.4GHz Digital Transmitter. Mahalaga na maging pamilyar sa pagkontrol ng drone gamit ang radio transmitter.

Design a site like this with WordPress.com
Get started