Aralin 5: Pixhawk Flight Controller
Ang isang kapansin pansing bentahe ng Pixhawk ay ang use-friendly nitong interface na kung saan ay makikita na agad kung saan maaring ikonekta ang mga sensors at ibang components nito. Ang Pixhawk ay may kaakibat na ring mission planner software upang ito ay ma-configure at ma-calibrate. Bukod sa mga multicopters ay maari ding gamitin ang Pixhawk para gawing autonomous ang fixed wing, helicopter, ground rovers at marami pang iba. Kung titingnan ang wiring connections ng Pixhawk ay maihahalintulad ito sa Arduino Microcontroller.
