ROS

Aralin 9: PID Control System

Ang paksang tatalakayin ngayon ay tungkol sa PID control o acronym para sa Proportional, Integral at Derivative control. Ang PID control ay isang uri ng closed loop control system o tinatawag ding feedback control system.

Sa ating robot architecture, ang mga DC geared motors at L298N motor driver ang tatawagin nating planta. Ang encoders naman ay ang mga sensors na magbibigay ng position measurement. Para ma-control natin ang mga DC motors ay kailangan nating magbigay ng target position. Ang pangunahing tungkulin ng Arduino ay paliitin ang diperensya o error ng control signal. Ang Arduino ay may nakahandang ready to use library para sa PID controller.               

Arduino Sketch: PID Control System

Design a site like this with WordPress.com
Get started