ROS

Aralin 10: Remote Access

Sa ating mga naunang mga paksa ay gumagamit tayo ng keyboard, mouse at monitor upang ma-access ang mga nilalaman ng Raspberry pi, mag-install ng software at mag-paandar ng program. Kadalasan, upang magampanan ng robot ang kanyang tunkulin ay kinakailangang ma-kontrol natin ang ito mula sa isang isang base station o sa lokasyon na malayo sa robot. Magagawa natin ito gamit ang remote access.

Mayroon tayong mga kailangang gawin upang maihanda ang koneksyon sa pagitan ng ating base station at ng ROS Compatabile Robot. Unang una na rito ang pag-install ng Ubuntu operating system sa ating base station. Ang pinaka-simpleng paraan ng pag-install ng pangalawang operating system ay ang pag-gamit ng Oracle VirtualBox. I-dowload at i-install ang pinakabagong bersyon sa website na virtualbox.org.  

Robot and Host Station

Remote Access Communication

Maari tayong kumunekta sa ating ROS compatible robot sa pamamagitan ng tinatawag na remote access o paggamit ng network o tinatawag ding IP address. Ang IP o Internet protocol address ay ang natatanging numero na itinalaga sa ating aparato na nakakabit sa internet router.

SSH or Secure Shell

ANg SSH o Secure Shell ay isa ding network communication protocol na maari nating gamitin upang kumunekta sa ating ROS Compatible Robot. Maari na nating i-browse ang mga files na nasa loob ng local host at magpaandar ng ROS commands. Ang isang kahinaan ng SSH network communication protocol ay hindi natin ito maaring magamit sa pagpapaandar ng mga graphical user interface tulad ng RViZ.

Design a site like this with WordPress.com
Get started