Aralin 11: Teleoperation
Ang teleoperation ay isang paraan ng pagkontrol ng galaw ng robot kahit na nasa malayong lokasyon ang operator. Ito ay magagawa natin sa pamamagitan ng pagkonekta sa robot gamit ang remote access mula sa isang base station. Ang konseptong pinakita ng turtlesim simulator ay ang parehong konseptong gagamitin natin para Sa ating ROS compatible robot. Na kung saan tayo ay gagamitin natin ang teleop_twist_key node bilang publisher.

Ang topic na kalakip ng cmd_vel ay mga x,y,z coordinates ng robot. Ang subscriber na tatanggap ng cmd_vel topic na pinapada ng publisher ay gagampanan ng rosserial node na ating i-uupload sa arduino mega ng ating ROS compatible robot.
Arduino Sketch: Teleoperation