Aralin 1: Robot Operating System
Ang ROS o mas kilala bilang Robot Operating System ay isang open source robotics middleware. Ang isang middleware ay ang nag-uugnay sa ibat-ibang aplikasyon, software at sensors na ginagamit ng robot.

Para sa mas malalim at detalyadong impormasyon tungkol sa ROS ay bumisita sa wiki.ros.org. Ang ating pangunahing layunin sa ating pag-aaral ng ROS ay magkaroon tayo ng basic knowledge sa kahalagahan ng ROS sa pagbuo ng mga robots.
Sa ating pag-aaral ay tatalakayin din natin ang konsepto ng SLAM or Simultaneous Localization and Mapping na ginagamit sa mga self-driving cars, unmanned aerial vehicles, indoor service robots at marami pang iba.