ROS

Aralin 2: Raspberry Pi

Ang Raspberry pi at Arduino ay mga tanyag na mga controller boards na ginagamit sa pag-buo ng mga robots. Ang Raspberry pi ay isang microprocessor na maihahalitulad natin sa isang personal computer. Gagamitin natin ang Raspberry pi sa pag proseso ng mga datos na nangangailangan ng matatas na lebel ng kalkulasyon o data processing. Ang pagproseso ng mga Graphical user interface, pagpapandar ng sabay sabay na computer programs at pagkonekta sa internet ay mga halimbawa ng mga aplikasyon na kung saan mainam na gamitin ang Raspberry pi. Para sa mas detalyadong kaalaman tungkol sa Raspberry Pi ay bisitahin ang website na https://raspberrypi.org. Ang Raspberry pi model 4B ay ang pinakabagong bersyon ng raspberry pi microprocessor.

Ang Ubiquity Robotics platform ay naka-base sa Ubuntu Linux operating system na may kaunting kaibahan sa ating nakasanayang Microsoft windows operating system. Ang mga operating system na katulad ng Ubuntu Linux ay open source. Madalas din tayong gagamit ng terminal window para sa ating programming. Ang pre-installed ROS package na ginagamit ng Ubiquity Robotics platform ay Kinetic Kame.

Design a site like this with WordPress.com
Get started