Aralin 4: RP Lidar
Ang Lidar ay pinaikling salita na ang ibig sabihin ay Light Detection and Ranging. Ito ay isang pamamaraan ng remote sensing o ang pag sukat ng distansya ng isang bagay gamit ang light waves. Sa ating proyekto, tayo ay gagamit ng RPLidarA1 na gawa ng kumpanyang Slamtec. Ang Lidar na ito ay isang 360 degree 2D laser scanner na may scanning frequency na umaabot sa 5.5 hz hanggang 10 hz. Ang RPLidar ay angkop gamitin sa mga aplikasyon tulad ng SLAM o Simultaneous Localization and Mapping. Ang RPLidar ay maaring ikabit sa Raspberry Pi Gamit ang USB connector.
Ang ROS Package na para sa RP lidar ay makikita sa website na https://wiki.ros.org/rplidar

.